Abucay Church


ABUCAY CHURCH 




Ang Makasaysayang Simbahan Ng abucay Bataan  

Abucay Church 

Parokya ni Sto Domingo De GuzmanSaint Dominic Parish Church (Abucay)


Dumating ang mga paring Dominikano sa Bayan ng Abucay taong 1587 upang ipalaganap ang Kristyanismo at taong 1588 sinimulang itayo ang Simbahan ng abucay ito ang Pinaka matandang simbahan Sa Peninsulang Bataan at isa sa pinaka lumang simbahan Sa buong Pilipinas sa Pangunguna Ni Padre Geronimo sa Ngalan ni Sto Domingo De Guzman, 
Abucay Chuch Year 1800
Ang Simbahan Ng Abucay ay ang saksi sa mga Pangyayari at kaganapan sa Bayan ng Abucay sa nag daang siglo. Hindi lamang ito sentro ng Pananampalataya Kundi maituturing narin na isang Makasaysayang Lugar na humihimok sa mga turista Upang Bisatahin. Ayun din Sa pananaliksik sa Simbahan Ng  Abucay ay Tumuloy at Naglingkod  Sina San Lorenzo Ruiz ang Kaunaunahang Pilipinong Santo (ang kanyang imahen ay nasa loob ng harapan ng simbahan) ,
San Miguel De Aozaraza Sa harapan bahagi ng Simbahan
San Miguel Gonzales de Aozaraza (makikita ang kanyang imahen sa harapang labas ng simbahan) na ngayon ay kinikilalang Santong martir ng simbahang katolika at si San Francisco Gil De Frederich ring Santo.  Gayundin ang mga dating nadestinong mga pari sa ating Simbahan na ngayon ay Kinikilalang dominican Martyrs na sina, Beati Luis Bertran Exarch na nadestino sa Abucay noong 1619-1623, Beato Angelo Orsucci na ika-8 Kura-Paroko sa Parokya na naglingkod mula 1616-1617 at si Beato Juan Martinez de Santo Domingo na nadestino noong 1602-1608.


Domikanong Martir Na nadestino sa Abucay Church

ang munisipyo na gusali ng Abucay ay ang unang lugar ng Simbahan na nagsilbi ring kapilya at ospital noong 1587. Noong Hunyo 10, 1588, opisyal at pormal itinalaga ang Abucay bilang unang pueblo (bayan) ng Bataan At tinawag na  Pueblo del Santo Domingo de Guzman. at Naging Abucay lamang ito Taong  1646. Naging Sento ng dominican Mission sa Bataan mula Orani hangang Orion at nakilala bilang Partido de Bataan.
Ang Unang Imahen Ni Sto domingo Na
Dinala ng mga Paring dominikano 
Ayun sa kasaysayan ang Bayan ng Abucay ay siya ring lugar kung saan isinalang si Tomas Pinpin  " Prince of Filipino Printer"  na kinikilala sa ating Bansa gayundin ang kanyang guro na si Padre Francisco Blancas de San Jose na naging Kura-Paroko ng ating Simbahan na siya namang kinikilala bilang Father of the Philippine Printing Press gamit ang unang Printing Press sa Pilipinas na Dating nasa Simbahan ng abucay. Sila ay naglimbag sa simbahang ng dalawang mga unang libro ng Pilipinas gamit ang makalumang uri ng panlimbag. 
  
 Ang simbahan ng Abucay ay gawa sa mga pulang ladrilyo (red Bricks) at mga adobe na nag patibay sa pundasyon ng simbahan mapanghangang ngayon, Naging saksi din ang simbahan sa mga kaganapan ng mga tao ng Abucay na nagbuhos ng dugo sa mga mananalakay  noong Hunyo 23, 1647 ng mga olandes (dutch). Ang Simbahan ang naging  saksi sa pangyayaring iyon. Sep 16, 1852 nasira ang ilang bahagi ng simbahan dahil sa malakas na lindol at Taong  1870 Isang malaking sunog ang naganap na Simbahan at naisaayus muli sa pangunguna ni Father Jose Diego Pelaez, OP. at upang maiwasan ang paglaganap ng cholera taong 1880-1890, ang Paring Dominikano ay nag patayo ng Sementeryo Katoliko sa Tabi Ng simbahan. 
    
       Tanyag din ang simbahan ng Abucay dahil sa ikalimang palapag ng kampanyo ng simbahan nandun ang Limang lumang Kampana (1839, 1859 at 1892) Na sa mag pahangang ngayon ay Naririnig sa bayan ng Abucay. 
Lumang Kampana ng Simbahan ng abucay
Matatagpuan din sa loob ng simbahan ang Banal na alaala (relic) Ni Sto Domingo De Guzman.
Relic ni Sto Domingo De Guzman


Harapang Pinto Ng Abucay Church

Retablo Mayor ng abucay Church (year 2019) kuha Ni Baste Baluyot


Kampanaryo Ng simbahan

Sto Domingo De Guzman

 San Lorenzo Ruiz Sa Harap ng ReTablo mayor Ng simbahan

San Judas Tadeo De Abucay sa harap Ng  Abucay Church

Historical Marker sa harap ng Abucay Church

Abucay Church 1588

Association De Hijas Maria Ng abucay Batann taong 1800

Bell of abucay Marker





old Abucay  bell Marker

ang taas ng Retablo Mayor ng abucay Church

Comments

Popular Posts