Birhen Conorada Sa Pilipinas



Koronasyong Kanonika

Canonical Coronation In The Philippines




ang Koronasyon Kanonika / Canonical Coronation ay ang official recognition ng simbahan for the important role (antiquity, miracles & popular veneration) ng isang imahen sa Simbahan. 
Ating Tunghayan ang mga imahen Ng Birheng Maria Sa Pilipinas at ang kanilang Kasaysayan. 



1. 👑 Nuestra Senora del Santisimo Rosario - La Naval de Manila 
⛪️  National Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary - Sto. Domingo Church, Quezon City
(unang conorada sa Pilipinas)
Coronation Date:  October 5, 1907
pontificate : Pope St. Pius X

Nuestra Senora Del Santisimo Rosario La naval De Manila

La Gran Señora de Filipinas

Señora ng La Naval de Manila, ang pinakaantigong imaheng ukit sa garing dito sa Pilipinas. Ito ay inukit ng isang di-kilalang Intsik noong 1593 sa komisyon ni Gob. Hen. Don Luis Perez Dasmariñas. Taong 1646, sinikap agawin ng mga Protestanteng Olandes ang Pilipinas sa kamay ng España upang kontrolin ang pangangalakal sa Asya. Magkasamang lumaban ang mga Kastila at Pilipino upang palayasin ang mga Olandes. Sila ay pinangaralan na tuwinang ilagay ang kanilang sarili sa pagkupkop ng Mahal na Ina at dasalin ang Santo Rosario. Sa init ng labanan noong Hulyo 28, 1646, sa pagitan ng mga isla ng Marinduque at Romblon humiling ang kapwa Hen. Orellana at Admiral Lopez na kung palaring sila'y makaligtas at manalo sa labanan ay sila'y nakayapak na lalakad patungong Simbahan ng Santo Domingo bilang pasasalamat. Sa kabila ng kakulangan sa bilang ng pagkain, barkong pandigma at sundalo, himalang nanalo ang kampo ng Kastila-Pilipino laban sa mga Olandes. Naligtas ang pananampalatayang Katoliko sa panghihimasok ng Protestantismo.

Taong 1907, binigyan ni Papa Pio X ng Canonical Coronation ang imahen. Upang maingatan ang imahen sa pambobomba ng mga Hapones, ito'y itinago sa Unibersidad de Santo Tomas hanggang 1946. At taong 1954, ito'y inilipat sa kasalukuyan nitong tahanan, sa Simbahan ng Santo Domingo sa Lungsod ng Quezon. Noong 1986, isang replica ng imahen ang dinala ng mga Dominikano sa Palasyo ng Malakanyang at sa Kampo Crame bilang protesta sa paglalagay ng buong bansa sa ilalim ng Batas Militar.

La Naval de Manila
#conorada #sanjudastadeo #stjudethaddeus 
#lanaval 



2. 👑 Nuestra Señora de Peñafrancia de Naga
⛪️ Minor Basilica of Nuestra Señora de Peñafrancia, Naga, Camarines Sur
(pangalawang Conorada sa Pilipinas)
Coronation Canonical : September 20, 1924
Pontificate: Pope Pius XI

Nuestra Señora De Peñafrancia de Naga

Reina ng Bicolandia

NUESTRA SEÑORA DE PEÑAFRANCIA DE NAGA  Imahen ng Mahal na Birheng Maria sa Pilipinas na may Karangalang Koronasyon Kanonikal, Ang imahen ng Birheng Maria na tinaguring Mahal na Birhen ng Peñafrancia o Ina ng Peñafrancia ay siyang pintakasi ng Rehiyon ng Bikol. Ang imaheng ito ang naging tanggulan at sandigan ng mga Katolikong Bikolano sa loob ng mahigit na 300 taon. Nagsimula ang pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa bansang Espanya na kung saan ang orihinal na imahen ng nasabing Birhen ay nakita ng isang lalaking nagngangalang Simon Vela sa kabundukan ng Peña de Francia sa pagitan ng Caceres at Salamanca. Ang larawan nito ayon sa imaheng Bicolano ay nakatayong imahen ng Birhen na walang kamay at tanging ulo lamang ng Birhen at ng Sanggol ang nakikita. Ito ay may sukat na nasa dalawa o dalawa't kalahating talampakan. Ang buong katawan ng imahen ay nababalutan ng bakal kung kaya't tanging ulo lamang ng Birhen at ng Sanggol ang nakikita. Ang dahilan nito ayon sa ibang mga haka haka ay para maiwasan ang pagkasira ng Birhen at dahil ang Birhen ay isang uri ng imahen na tinatawag na de-talyadang imahen. Ito ay kopya ng imahen na nasa Espanya. Ang imaheng ito ay nasa ilalim ng sagisag na Virgen del Rosario.

Ang Pista ng Peñafrancia ay isang kapistahan ang idinaraos tuwing buwan ng Setyembre sa Lungsod ng Naga sa lalawigan ng Camarines Sur. Ang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok.

Ganap na binigyan ng parangal ng Simbahan sa pamamagitan ng pagpuputong ng korona o tinatawag na Koronasyon Kanonikal ang imahen ng Birhen ng Peñafrancia noong Setyembre 20, 1924 sa Lungsod ng Naga na sinaksihan ng daang libong katao. Ito ay pinutungan sa pangunguna ng Apostoliko Delegado ng Papa dito sa Pilipinas, Msgr. Guglielmo Piani. Umaga noong Agosto 15, 1981, lapastangang ninakaw ang imahen ng mga di-kilalang salarin mula sa simbahan. Ang buong Kabikolan ay nadismaya sa nangyari kaya't gumawa sila ng malawakang paghahanap sa imahen. Isang taon makaraan ang pagnanakaw, misteryosong naibalik ang orihinal na imahen sa tanggapan ni Msgr. Yllana, mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines. Noong Setyembre 8, 1982, kaarawan ng Mahal na Birhen, nagkaroon ng isang motorcade mula Maynila hanggang Naga kasama ang orihinal na imahen na kasagsagan noon ng bagyong Ruping. Libo-libong Bikolano ang sumalubong sa mapaghimalang imahen ang lumusong sa malakas na bagyo, masalubong man lang ang pinkamamahal na imahen. Nagkaroon ng misa ng pasasalamat para sa pagdating ng imahen.

Nuestra Senora de Penafrancia
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned


3. 👑 Nuestra Señora del Santisimo Rosario de Manaoag 
⛪️: Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary, Manaoag, Pangasinan
(pangatlo conorada sa Pilipinas)
Coronation Date; April 21, 1926
Pontificate: Pope Pius XI

Nuestra Señora del Santisimo Rosario De Manaoag


BIRHEN NG MANAOAG

Kinikilalang Tagapag-adya ng mga may sakit, mahihina, at mga maralita, Ang Mahal na Birhen ng Manaoag ay titulong ipinagkaloob ng simbahang Katolika sa Birheng Maria at binigyang parangal sa Manaog, Pangasinan.

Ang imaheng ito ay gawa sa garing (ivory) na dinala mula sa Espanya ng isang pari na si Juan de Jacinto noong ika-17 siglo.  Ayon sa pinakalumang naitalang kuwento, isag katutubong lalaki ang naglalakad pauwi ng marinig niya ang isang misteryosong tinig. Ng tiningan niya ang kanyang paligid, namangha siya ng makita ang isang maningning na babae, may hawak na rosaryo sa kanan at may kalong na bata sa kaliwa habang nakatayo sa ibabaw ng ulap na nakalambong sa itaas ng punong-kahoy.

Napaluhod ang lalake sa kaniyang nakita at ito’y ipinamalita niya sa taong-bayan.  Hindi nagtagal, sa lugar kung saan nagpakita ang Birhen, ay itinayo ang isang simbahan.  Umunlad ang maliit na bayan na yaon na ngayon ay kilala bilang bayan ng Manaoag.  Ayon sa tradisyon, ang Manaoag ay nangangahulugang “tinawag”, na tumutukoy sa pagtawag ng Birhen.

Our Lady of Manaoag Minor Basilica of Our Lady of Manaoag
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned


4. 👑 Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Antipolo
Provenance: Immaculate Conception 
⛪️ - National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, Antipolo, Rizal
(ika apat na conorada sa Pilipinas)
Coronation Date : November 28, 1926
Pontificate: Pope Pius XI

Nuestra Señora De La Paz Y Buena Viaje de Antipolo

Birhen ng Kapayapaan at ng Mabuting Paglalakbay / Our Lady of Peace and Good Voyage

Pinaniniwalaang ang Birhen ng Antipolo ay nagmula sa Mexico. Noong ika-25 ng Marso taong 1626, ang galeon ng El Almirante ang nagdala ng Birhen patungo sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong buwan ay sinuong ng galeon ang mapanganib na byahe dulot ng bagyo at iba pang kalamidad tulad ng sunog hanggang sa marating nga nito ang Pilipinas noong ika-18 ng Hulyo taong 1626. Sa kadahilanang nalampasan ng galeon ang lahat ng kalamidad na pinagdaanan nito ay pinaniniwalaan ni Gobernador Tabora na ito ay dahil sa presensiya ng Birhen. Pinaniniwalaan ng mga eksperto maging ng mga deboto na ang imahen ng Birhen ay may 300 taon na.

Nang mamatay si Gobernador Tabora noong taong 1632, ang Birhen ay napunta sa pangangalaga ng mga paring Jesuita. Ang Birhen ay ilalagak sana sa itinatayo pa noong simbahan malapit sa baryo ng Sta. Cruz. Sa ilang beses na tinangka upang ilipat ang imahen ay lagi na lamang itong natatagpuan sa ilalim ng puno ng Tipolo kung kaya't dito na ito tinayuan ng pedestal.

Noong panahon ng mga Hapon, pansamantalang dinala ang imahen patungong Angono. Limandaang katao ang nagdala nito na ligtas namang nakarating sa dapat nilang paroroonan. Pansamatala rin itong inilagak sa Quiapo hanggang ika-15 ng Oktubre taong 1945, ang panahon kung kailan permanente na itong inilagak sa simbahan ng Antipolo. Taon-taon ay ipinagdiriwang ng mga deboto ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng paglahok sa pilgrimage ng pagdadala sa birhen mula sa Quiapo, Maynila patungong Antipolo.

Birhen ng Antipolo - Our Lady of Peace and Good Voyage
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned


6. 👑 Nuestra Señora de la Regla de Cebu
⛪️: National Shrine of Nuestra Señora de la Regla, Lapu-Lapu City, Cebu
( ika anim na Conorada sa Pilipinas)
Coronation Date; November 27, 1954
Pontificate: Pope Pius XII

Birhen sa Regla

NUESTRA SENORA DE LA REGLA 


ang isa pang kilalang pamimintuho na nagmula sa Cebu ay pagdedebosyon sa Nuestra Señora de la Regla. Naniniwala ang mga Cebuano na ang mga pagpapala at kasaganaang kanilang natatanggap ay dahil sa kanilang malalim na debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Ayon sa matandang tradisyon, ang pinakaunang imahen ng Virgen de la Regla ay inukit ni San Agustin noong isinusulat niya ang Regulas, Regla, rule of life o alituntunin ng kanyang Orden. Inilikas ng mga monghe ang imahen ng Birhen sa Espanya upang iligtas sa mga Bandalo na lumusob sa Aprika noong Taong 433.

Doon ay tila nalimot ang pagdedebosyon sa Birhen hanggang sa ito ay magpakita sa panaginip, at itinuro ang kanyang kinaroroonan--sa loob ng isang kahon, sa ilalim ng isang puno. Sa lugar na iyon sa Chipiona ay itinayo ang Simbahan sa karangalan ng Mahal na Birhen de la Regla.

Nang dumaong dito sa bansa si Padre Francisco Avalle, isang Agustinong monghe na naglagi sa Chipiona sa loob ng isang dekada, dala niya ang pagdedebosyon sa Virgen de la Regla at ang mga naninirahan sa Opon sa Cebu ang unang nakatunghay sa biyaya ng pamimintuho sa Birhen.

Bilang pagkilala sa mga himalang naitala dahil sa pagdedebosyon sa imahen dito sa Pilipinas, at dahil sa lawak ng pagmamahal sa kanya, ginawaran ito ni Papa Pio XII ng Pontifical Coronation noong ika-27 ng Nobyembre 1954.

Nuestra Senora Virgen Dela Regla Parish
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned




7. 👑 Nuestra Señora de la Inmaculada Concepcion de Caysasay 
⛪️: Shrine of Our Lady of Caysasay, Labac, Taal, Batangas
(ika pito conorada)
Coronation Date; December 8, 1954
Pontificate: Pope Pius XII

Nuestra Señora De la Inmaculada Conception de Casaysay

Reyna ng Arsidiosesis ng Lipa, at ng bawat Batangueño.

Ang imahe ng Nuestra Señora de Caysasay (o La Immaculada Conception de Caysasay) ay isang imahen ng Mahal na Birheng Maria na pinarangalan sa Archdiocesan Shrine ng Our Lady of Caysasay sa Taal, Batangas. Ang imahen, na naglalarawan ng Immaculate Concept, ay pinaniniwalaan na isa sa mga pinakaluma sa bansa, na natagpuan noong 1603 ng isang tao na pangingisda sa Pansipit River. Ang kasunod na mga pagpapakita ni Marian na dokumentado ng mga pinuno ng simbahan ng kolonyal na Espanya ang una sa bansa. sa kasalukuyan patuloy parin ang pag bibigay ng himala ng Birhen.

Sa mga prodigies na ibinigay ng Birhen sa Batanguenos, binigyan siya ng titulong "Queen of the Archdiocese of Lipa". Ang araw ng kapistahan ng Our Lady of Caysasay ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 8 at 9. Ang imahe ay gumugol kalahati ng linggo sa Shrine of Caysasay at ang iba pang kalahati sa Basilica de San Martin de Tours, upang masiyahan ang mga pangangailangan ng mga lokal at mga deboto. 

Noong ika-8 ng Disyembre 1954, dalawang dang taon pagkatapos ng pagsabog ng Taal, ang imahe ng Our Lady of Caysasay ay ginawaran canonically crowned sa Basilica ng San Martin de Tours sa Taal, Batangas ni Spanish Cardinal Fernando Quiroga, na kumakatawan sa Pope Pius XII

kamangha-mangha at maganda ang tanawin at kasaysayan ng bayan. Kilala sa pinakamaliit na bulkan sa mundo, ang bayan ng Taal ay nag-uugnay din ng maliit na mahimalang imahe ng Our Lady na nakaligtas sa maraming siglo. Sa panahon ng marahas na pagsabog ng bulkan noong 1754, naging kanlungan ng mga taong bayan na nasalanta ang dambana ng  Our Lady of Caysasay Pagkatapos nito,bumangon ang  bayan sa hangang sa kasalukuyan. Ang Birhen ng casaysay ay mayroon ding kanyang imprint sa makulay na kasaysayan ng bayan; ang kababalaghan ng Caysasay ay nasa mga makasaysayang talaan ng mga Augustinians na naatasan. 

Nuestra Señora de Caysasay
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



8. 👑 Nuestra Señora de Guia
⛪️: Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia, Ermita, Manila
(ikaw walong Conorada sa Pilipinas)
Coronation Date; December 30, 1955
Pontificate: Pope Pius XII

Nuestra Señora De Guia

Our Lady of Guidance.

Ang Mahal na Virgen ng de Guia ay kinikilalang Patrona ng Lungsod ng Maynila noong pang Unang Panahon na iginawad ni Haring Felipe II noong taon 1578. Ang imahen ng Nuestra Señora de Guia ay ang kinikilalang pinakamatandang imahen ng Mahal na Birhen sa Pilipinas. Ito ay pinaniniwalaang natagpuan ng grupo na pinamumunuan ni Miguel Lopez de Lagazpi noong 1571 pagdating nila sa Maynila. Ang Mahal na Birheng de Guia ay ang patron ng mga mandaragat at mga mangangalakal. Siya rin ang patron ng mga Pilipinong nangingibang-bayan o Overseas Filipino Workers (OFWs). Siya ay naging saksi sa mahabang kasaysayan ng Maynila na dumaan sa maraming pagsubok, mga digmaan, pananakop at mga kalamidad nuong panahon ng mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. Sa kaganapang ito, isa sa mga sundalong Espanyol ang naglibot sa buong kapaligiran ng Ermita hanggang sa siya’y makarating sa isang bahagi ng dalampasigan (ngayo’y kinatatayuan ng Simbahan ng Ermita), doo’y nadatnan niya ang isang pagtitipon ng mga paganong katutubo na sumasamba palibot sa isang napakagandang imahen ng mahal na Birhen Maria na nakaluklok sa ibabaw ng isang sanga na napalilibutan ng mga puno ng pandan. Agad tumakbo ang sundalo sa kanyang komandante at iniulat ang yaring pagkadiskubre at dagli namang tumungo ang mga sundalo at ilang kaparian kasama sa ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi upang makipag usap sa mga katutubo at mas maisaaayos ang pagsamba sa tamang pamamaraaan. Mula ng kaganapan ng pagkakadiskubre sa imahen ng mahal na Birhen, ayon sa Anales dela Cathedral de Manila, ang Birhen ng De guia ay nagsimulang magsaboy ng sinag ng biyaya sa pamamagitan ng maraming milagrong naganap lalo’t higit sa mga manlalakbay sa karagatan. Mula sa biyaya ng liwanag na yaon ay nagbuhat ang kasalukuyang titulo ng imahen ng Birhen bilang Nuestra Señora de Guia, Birhen ng pag-Gabay. Ito ay pinaniniwalaang naunang nadala pa sa Pilipinas noong 1521 mula sa Galleon ni Magellan at ng kalaunan ay dinala ng mga Pinunong katutubo mula sa Cebu bilang regalo sa isa sa mga Rahaj ng Ermita. Ika-9 ng Agosto taong 1578, isang Royal Decree ang ipinagkaloob ng Hari ng España sa imahen na nagdedeklara na ang imahen ng Nuestra Señora de Guia ay kinikilala bilang “Patrona ng Maynila” sa kadahilanang patuloy na biyaya ang kanyang ipinagkakaloob sa lahat.

Ang imahen ay ginawaran ng karangalang koronasyong kanonikal ni Papa Pio XII noong ika-30 ng Disyembre, 1955 sa Plaza Ferguson na ngayon ay bahagi ng Luneta. Ang pagidiriwang ay pinangunahan ng nuo’y Nuncio ng Papa, Arsobispo Egidio Vagnozzi. Itinalaga naman bilang isang Dambana ng Arkdiyosesis ng Maynila ang Simbahan ng Ermita noong taong 2005 ng Kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, nuo'y Arsobispo ng Maynila. Tanyag ang debosyon sa Mahal na Birhen dahil sa mga himala na pinaniniwalaang naigawad sa mga deboto sa pamamagitan ng kanilang masugid na pamimintuho sa Mahal na Birhen. Ang pagiging saksi ng Virgen de Guia sa makulay at maluwalhating kasaysayan hindi lamang ng Maynila kundi pati na rin ng bansang Pilipinas ay isang patunay na tayong mga Filipino, bilang mga mananampalatayang Katoliko ay laging nasa ilalim ng pag-ibig at pagmamahal ng Mahal na Birhen

Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora De Guia - Ermita Church
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



9. 👑 Nuestra Señora de Caridad de Bantay
⛪️: St. Augustine Parish - Shrine of Our Lady of Charity, Bantay, Ilocos Sur
(ika siyam na conorada sa Pilipinas)
Coronation Date; January 12, 1956
Pontificate: Pope Pius XII

Nuestra Señora de Caridad De Bantay

Apo Caridad ~ The Queen Of Ilocandia

Nuestra Señora de la Caridad / Reina y Patrona de Ilocandia, ang Mapaghimalang imahen ng Birhen ay natagpuan isang kahoy na sisidlan na palutang lutang  sa Ilog ng Bantaoay, Ang imahen ng Nuestra Senora de Caridad de Bantay ay kinikilalang pinakamatandang imahen ng Birheng Maria sa rehiyong Ilocandia. Siya ang Patrona ng mga Agustinong pari sa ilalim ng sagisag na Nuestra Senora de la Consolacion.Ang kanyang kasaysayan na lumalarawan bilang isang mapagkandiling Ina ng kalakhang Ilocandia ay dinadakila hindi lamang sa buong Rehiyong Ilocos kundi pati na rin sa buong bansa. Siya ay pinagmumulan ng pananampalatayang Katoliko, malalim na inspirasyon at maka-inang pagkalinga.Ang rehiyong Ilocos ay ang naging sentro ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Caridad sa mahabang panahon dahil sa mayaman at malalim na pamimintuho ng mga mananampalataya na nagmumula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ang mapaghimalang imahen ng Mahal na Ina ay nakadambana sa Parokya ni San Agustin sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte na nakapangalan sa kanyang sagisag bilang La Virgen de Caridad. 
Ang  karangalang koronasyon kanonikal ay igonawad sa imahen noong Enero 12, 1956, sa pamamagitan ng isang makahulugang pagdiriwang. sa simbahan  ng San Ausgustine in Bantay Ilocos Sur sa pangunguna ni Papal Nucio EdVagnozzi.

Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de la Caridad de Bantay
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned




10. 👑 Virgen delos Remedios de Pampanga 
⛪️ : Archdiocesan Chancery Chapel, San Fernando, Pampanga
(ika sampu Conorada sa Pilipinas) 
Coronation Date;September 8, 1956
Pontificate: Pope Pius XII

Virgen Delos Remedios De Pampanga

Indu Ning Capaldanan

Virgen de los Remedios de Pampanga, ang dakilang Ina at Reyna ng mga mananampalatayang Kapampangan ay isang napakagandang inspirasyon para sa mga Pilipinong Katoliko. Ang kanyang istorya ay isang halimbawa ng maka-inang pagmamalasakit ng Mahal na Birhen sa mga taong sumasampalataya at pumipintakasi sa kanya at sa pananampalatayang Katoliko.
Batay sa naitalang kasaysayan, sa mga malalagim na panahong katatapos lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pampanga noon ay humaharap sa napakadilim na bahagi ng kanyang kasaysayan. Ang mga tao ay hindi nagkakaisa at namumuhay sa kultura ng komunismo na malayo sa pagtutulungan at pagkakaisa. Sa isang krusada na inilunsad sa pangunguna ng bagong Obispo Caesar Maria Guerrero, ang Mahal na Birhen ang kanilang naging pangunahing inspirasyon at naging takbuhan upang wakasan ang malawakang panlipunang suliraning ito. Ang imahen ng Virgen de los Remedios ay inilibot sa mga bayan ng Pampanga at dito ipinunla ang isang debosyon na mag-aakay sa mga Kapampangan patungo sa isang lipunang nagkakaisa at nagmamahal sa pananampalatayang Katoliko. Ang lalawigan ng Pampanga ay naging sentro ng debosyon sa Mahal na Birhen sa pagdaan ng panahon dahil sa mayaman at malalim na pamimintuho ng mga mananampalataya na nagmula sa iba’t ibang panig ng Rehiyon ng Kapampangan at mga karatig pook.

Ang mapaghimalang imahen ng Mahal na Ina ay nakadambana sa isang kapilya sa kanyang karangalan na malapit sa Katedral Metropolitano ng San Fernando de Pampanga. Ginawaran ng karangalang koronasyon kanonikal ang imahen noong Setyembre 08, 1956, Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, sa pamamagitan ng isang makahulugang pagdiriwang sa pangunguna ng nuo’y Nuncio ng Papa sa Pilipinas Egidio Cardinal Vagnozzi

Virgen De Los Remedios De La Pampanga
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned




11. 👑 Nuestra Señora de Pronto Socorro de Boac
⛪️: Shrine of Our Lady of Prompt Succor, Boac, Marinduque
(ika labing isang Coronada ng Pilipinas)
Coronation Date; May 10, 1958
Pontificate: Pope Pius XII

Nuestra Señora De Pronto Socorro de Boac

Inang Birhen ng Biglang awa
Reyna ng Marinduque

 Ang Imahen ng BIRHEN NG BIGLANG AWA o NUESTRA SENORA del PRONTO SOCORRO de BOAC MARINDUQUE
Ang mapaghimalang imahen ng Ina ng Biglang Awa ay matatagpuan sa Isla ng Marinduque. Tinataya itong dinala noon pang ika-labing anim na siglo ng mga paring Franciscano. Ayon sa mananaliksik na si Padre Felix de Huerta sa kanyang librong “Historico Religioso Estado Geografico” circa 1865, Ang Kristyanismo ay inihatid ni Prayle Estevan Ortiz noong 1579 at makalipaas ang isang taon, ang kaunaunahang Visita “Monserrat de Marinduque” (sa bayan ng Boac) ay itinatag. Ang Mahal na Ina ay ginawang pintakasi noong Kalakalang Galleon, kung saan ang isla ng Marinduque ay naging isa sa tagapagtutustos ng mga kagamitan at manggagawa. Labis ang pamamanata ng mga sinaunang mandaragat kay Maria na naghahatid sa mga nakikipagsapalaran patungo sa ligtas na mga pampang.

         Nagmula sa Mexico, ang imahen ng Mahal na Ina ng Biglang Awa ay humigit kumulang na apat na talampakan. Bagamat yari sa kahoy, labis ang pag-iingat ng kanyang mga deboto kaya’t napanatili ang likas na kagandahan at kaamuan ng kanyanag mukha. Ang imahen ay nakatungtong sa kalahating buwan o luna na napapalibitan ng ulap as tangan ng pitong kerubin. Sa likod ng ulap ay nakaukit ang pagbati ng anghel Gabriel, “Aba Ginoong Maria.”

           Ayon sa kasaysayan, noong ika-labing pitong daang taon, laganap ang pagsalakay ng mga Moro. Pakay nila ay sakupin at pagnakawan ang mga islang kanilang nilulusob. Isang araw, natanaw ang kanilang mga vinta na paparating sa pampang ng Baranggay Laylay. Agad na pinatunog ang kampana hudyat sa pagdating ng kinatatakutang mga kaaway. Ang mga kalalakihan ay buong giting na humarap at ipinagtanggol ang bayan habang ang lahat ng kababaihan, mga matatandaat mga bata ay nagtungo sa simbahan sa taas ng burol. 

          Ang simbahang napapalibutan ng makapal na pader na yari sa pinaghalong bato at adobe ay sadyang ginawa bilang paghahanda sa ganitong pangyayari. Lubos na nahirapan ang mga mabbagsik na tulisan sa depensa ng mga kalalakihan. Sa ikatlong araw ng paglalaban, ang pagkain at tubig sa loob ng pader ng simbahan ay paubos na. Lalong pinaigting ang pananalangin, at patakbong dumulog sila sa luklukan ng Mahal na Birhen upang ipag-adya sila sa naka-ambang pagkasupil. Dininig ang kanilang mga panalangin. Mula sa tindi ng sikat ng araw at init ng pakikipaglaban, nagdilim ang langit na parang takip-silim, bumuhos ang ulan at lumakas ang hangin! Nasidlan ng takot ang mga Moro. Mula sa hilagang bahagi ng pader, sa gitna ng matatalim na kidlat at malalakas na kulog, natanaw ang isang babaeng nagliliwanag ang kasuotan. Naka-taas ang kamay sa anyong pagtaboy sa mga dayuhan. Nangalat ang mga Moro at mabilis na nilisan ang isla.

      Sa pangyayaring ito, kinilala ang imahen bilang Ina ng Biglang Awa, Patron at tagapangalaga ng Isla ng Marinduque. Ipinagpatayo siya ng dambana sa lugar kung saan nakita siya upang ipagtanggol ang kanyang mga anak. Ipinangalan din sa kanya ang kalsadang malapit dito.
Maraming naitalang mga himala na iniuugnay sa maka-Inang pagpapala ng Birhen ng Biglang Awa. Binigyan ng natatanging pagkila ng Santo Papa sa Roma, Papa Pio XII ang natatanging debosyon sa Mahal na Ina ng Biglang-Awa, kaya’t sa bisa ng kanyang pagtatakda, kinoronahan ang imahen noong ika-10 ng Mayo 1958 ni Lubhang Kagalang-galang Obispo Alfredo Ma. Obviar, D.D..

#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



12. 👑 Nuestra Señora Del Santisimo Rosario del Pueblo de Orani
⛪️ : Minor Basilica of Our Lady of the Rosary, Orani, Bataan
Coronation Date; April 18, 1959
Pontificate: Pope St. John XXIII

Nuestra Señora Del Santisimo Rosario Del Pueblo de Orani

Birhen Milagrosa de Orani 
Reyna ng Peninsulang Bataan

VIRGEN MILAGROSA DEL ROSARIO DEL PUEBLO DE ORANI , Ang Birhen Milagrosa ng Orani, Maraming hiwaga at Milagro ang imahen ng Birhen ng Orani. Sinasabing dala ito ng mga Paring Dominikano, nang ibigay sa kanila ang pangangalagang espirituwal ng Bataan noong 1587, kasama ang imahen ng Sto. Domingo de Guzman na nalagak sa Abucay at ni Sta. Catalina ng Siena na nalagak naman sa Samal.
Sinasabi ng mga ninunong unang nanirahan dito sa Orani na ang imahen ng Birhen ay tatlong ulit na natagpuan sa lugar ng Orani sa ilalim ng puno ng kamatsile. Una itong natagpuan ng mga katutubong mangangaso sa lugar na iyon. Tatlong ulit din itong ibinabalik ng mga taga-Samal sa kanilang bayan (Ang Orani kasi ay itinuring na isang malayong baryo ng Samal nang mga panahong iyon.) Napagpasiyahan sa huli na sa Orani na ito patuluyang ilagak at ipagpatayo ng kapilya. Ang pamimintuho sa Mahal na Ina ay tumulong sa kanilang pamumuhay bilang sambayanan ng Diyos na dumaan sa maraming pagsubok tulad ng rebelyon sa mga pamayanan, kalamidad tulad ng bagyo, baha at lindol, at ang pagdating ng mga salot sa kanilang mga pananim lalo kapag panahon ng tagtuyot. Ang isa sa naging kilalang pagtulong ng Mahal na Birhen sa mga tao ay nuong sumabog ang bulkang Pinatubo sa lalawigan ng Zambales na kalapit lalawigan ng Bataan, at ito ay nagdulot ng malakawakang pagkasira ng mga ari-arian at pagragasa ng lahar sa mga kabayanan ng Bataan. Pinaniniwalaang minsan nang nakita ang milagrosong Birhen na ang kanyang damit ay may bahid ng lahar na sinasabing siya ay tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad na ito.

Ang Mahal na Birhen, Nuestra Señora del Rosario de Orani ay tanyag dahil sa malalim at laganap na pagdedebosyon sa kanyang karangalan sa buong peninsula ng Bataan kasama na ang mga kalapit lalawigan tulad ng Zambales at Pampanga pati na rin sa malalayong panig ng bansa. 

Koransyon pinag kaloob sa Mahal Na birhen Milagrosa ng Orani
Oktubre 7, 1958 - isang Papal Bull mula sa Papa Pio XII sa 
Roma ang ipinagkaloob sa simbahan ng Orani upang maputungan  ng korona ang mahal na Birhen  Milagrosa ng Orani. Ito ay sa tulong at sa pamamagitan ng Arsobispado ng Maynila. anim Na buwan makalipas Ang imahen ay ginawaran ng karangalang koronasyong kanonikal ni Papa Juan XXIII na ngayon ay isa nang santo. Ginanap ang seremonya noong Abril 18, 1959 sa pangunguna i Lbhg. Kgg. Arsobispo Salavatore Siino, ang Nuncio ng Papa sa Pilipinas, Msgr. Emilio A. Cinense, Obispo ng Arsobispado ng San Fernando ng Pampanga. Tanyag ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Orani dahil sa napakaraming himala na pinaniniwalaang naigawad sa mga deboto sa pamamagitan ng kanilang masugid na pamimintuho. 
  Dec 12, 2019 ang Simbahan ng Orani, Bataan ay idineklara ng Vatican Bilang   Minor Basilica Ang Our Lady of Rosary Parish Church,  una sa peninsulang Bataan.  na inaprubahan  ng Congregation for Divine Worship and the Discipline : Pope Francis. 

Virgen Milagrosa del Rosario del Pueblo de Orani Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



13. 👑 Nuestra Señora de Namacpacan
⛪️: St. Catherine of Alexandria Parish - Shrine of Our Lady of Namacpacan, Luna, La Union
(ika labing tatlo conorada sa Pilipinas)
Coronation Date; November 25, 1959
Pontificate: Pope St. John XXIII

Nuestra Señora De Namacpacan

Apo Baket , "Siyang Nag papakain"

Nuestra Señora de Namacpacan, ang Ina at Reyna ng mga mananampalataya sa lalawigan ng La Union at rehiyon ng Ilocos ay isang napakagandang inspirasyon para sa mga Pilipinong Katoliko. Ayon sa kasaysayan, noong taong 1871, dadalhin sana ng mga paring Agustino ang imahen sa Vigan (ilocos) ngunit dahil sa malakas na bagyong sumalubong sa kanila, ang kanilang paglalayag ay nahinto at napilitan silang dumaong sa isang lugar sa La Union. Dahil dito ang Mahal na Birhen ay napunta na sa bayan ng Luna na dapat sana’y nakarating sa bayan ng Vigan sa Ilocos. Sinalubong ng taong bayan ang pagdating na ito ng Mahal na Birhen sa kanilang bayan nang puno ng kagalakan at pananampalataya. Sa Di malamang dahilan ay Hindi na nila ito mailipat pa punta sa Vigan kung kayat napag pasyahan nalang na manatili ito sa Luna isa marahil ito senyales na gusto ng birhen na manatili ito sa bayan ng luna. 
Ang lalawigan ng La Union ay naging sentro ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Namacpacan sa pagdaan ng panahon. Mula nang dumating ang Mahal na Ina sa lugar na ito ay lumaganap na ang malalim na debosyon at nagbunga ng mga mapaghimalang pamimintuho sa kanyang karangalan, Napakarami Naitalang Milagro ng Birhen, Ang Simbahan ng Luna ay nasa karangalan ni St. Catherine ng Alexandria ngunit mas kilala ito bilang dambana ng Nuestra Señora De Namacpacan. Namacpacan ang orihinal na pangalan ng bayang ito, isang Ilokanong salita na ang ibig sabihi'y "siyang nagpapakain." Nagsimula ito nang may isang matandang babae na nagpakita sa mga katutubo ng Cordillera at nag-alok sa kanila ng pagkain na kalauna'y tinawag nilang Apo Baket ng Namacpacan gaya ng kanilang tawag sa mga matatanda.

Ang dambana ng Nuestra Señora de Namacpacan ay matatagpuan sa Parokya ni Sta. Catalina de Alejandria sa bayan ng Luna sa lalawigan ng La Union. Ginawaran ng karangalang koronasyon kanonikal ang imahen noong Nobyembre 24, 1959. sa pamamagitan ng isang makahulugang pagdiriwang sa pangunguna ng nuo’y Nuncio ng Papa sa Pilipinas, Lbhg. Kgg. Salvatore Siino.


Miraculous Shrine of Our Lady of Namacpacan, Luna, La Union
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned




15. 👑Virgen Divina Pastora de Gapan 
⛪️: Three Kings Parish - National Shrine of La Divina Pastora, Gapan, Nueva Ecija
(ika labing lima Conorada s Pilipinas )
Coronation Date; April 26, 1964
Pontificate: Pope Paul VI

Virgen Divina Pastora De Gapan

Reyna ng Gitnang Kapatagan 

Ang Debosyon Sa imahen Ng birhen divina Pastora ay nagsimula noong ika-17 siglo sa pagdating ng isang maliit na imahen buhat Espanya. Ang imahen ay dinala sa Gapan, sa lalawigan ng Nueva Ecija na noo'y isang kaparangan na pinagpapastulan ng iba't ibang hayop. Hindi nagtagal ay lumaganap ang balita tungkol sa mga himalang naganap sa pamamagitan ng Birhen Divina Pastora. Sa tuwing natatapos ang panahon ng anihan, ang mga magsasaka ay nagpupugay sa kaniya at nagpapasalamat sa mga biyayang naipamagitan niya kung kaya't lalong naging tanyag ang Birhen Divina Pastora na lumaganap sa buong gitnang kapatagan ng Luzon, kaya siya ay tinagurian bilang Reyna ng Gitnang Kapatagan.

Ang La Virgen Divina Pastora ay naging tanyag dahil sa malalim at laganap na pamimintakasi sa Mahal na Ina partikular sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Sa hindi malamang dahilan, ang imaheng ito ng Birhen ay nawala bago matapos ang siglo 18 (1795-1800). Anumang masusing paghahanap ay hindi nagtagumpay. Hindi makita ang poon!

Noong 1850, habang ang ilang pastol at magsasaka sa sitio Callos ay patungo sa isang lilim ng punong-kahoy ay nakakita sila ng larawan (imahe) ng isang napakagandang babae, nakaupo at nakasandal sa isang punong callos (isis na ginagamit sa paglilinis ng kaldero, kawali at iba pa) nasusuutan ng damit puting abot sa kanyang bukong-bukong, isang tungkod sa kanyang kamay at isang tupang nakapahinga sa kanyang kandungan na tapik-tapik niya sa kanyang kamay. Kaagad-agad ay nagtungo ang mga ito sa engkargado ng bukid na siya namang nagbalita sa may-ari ng lupang yaon. Nang puntahan ng may-ari, na siyang "kapitana" noong panahong iyon, ay nakita nila ang poon tulad ng ibinalita sa kanila, na mayroong isang talampakan at kalahati ang taas (1 1/2 feet tall). Sa pahintulot ng Kura Paroko ng Gapan ay ipinurusisyon nila ang poon patungo sa simbahan kung saan ay itinanghal sa "Main altar". Naniniwala ang mga tao na natagpuan ang nawalang imahe ng Poong Birhen Divina Pastora.

Hindi nagtagal, mayroong bumukal na tubig sa likod ng altar ng simbahan na kinaroroonan ng Birheng Divina Pastora. Libo-libong maysakit ang gumaling sa iba't-ibang mga karamdaman sa pamamagitan ng Birheng Divina Pastora sa pamamagitan ng paggamit ng tubig mula sa bukal. Kaya't kumalat ang debosyon sa Poong Birhen sa ibang mga Lalawigan- Pangasinan, Ilocos Norte, Cagayan, Bulacan, Pampanga at Bataan. Natuyo lamang ang bukal ng gawing komersyo ng mga tao. Subalit ang mga kababalaghan na nangyari sa pagtawag ng Birheng Divina Pastora ay patuloy na ginagawa ng Panginoon. Ang mga himalang naturing ay napakarami na. Sapat na lamang na mabanggit dito na wala na yatang batang maysakit o mahina sa Nuweba Esiha ang hindi naipanata ng kanilang mga magulang sa Divina Pastora.

Noong Abril 26, 1964, sa pagsusumikap nina Arsobispo Emilio A. Cinense, yumaong Arsobispo ng San Fernando (Pampanga) Arsobispo Mariano G. Gaviola, dating Obispo ng Cabanatuan at ni Msgr. Paterno E. Bernabe, yumaong Kura Paroko ng Gapan, kasama ang mga mamamayan ng Gapan, at bilang pagkilala na rin sa Mapaghimalang Birhen Divina Pastora, ay kinoronahan ang Poon at itinanghal na Patrona ng Diyosesis ng Cabanatuan, Ang Makalangit na Pinatakasi ng Nueva Ecija, Ang Reyna ng Gitnang Kapatagan at Prinsibini ng Gitnang Luzon, na sinaksihan ng maraming Obispo, pari, government officials at libu-libong mga deboto na galing sa lalawigan ng Nuweba Esiha, Pampanga, Bulacan, Bataan, Zambales Pangasinan, Ilocos Norte at Sur, La Union, Abra, Cagayan, Isabela at Nueva Viscaya.

Noon namang Abril 26, 1986, sa pagsisikap nina Obispo Ciceron M. Tumbocon, D.D., S.T.D. Obispo ng Cananatuan, Msgr. Felix L.Hernandez, H.P. dating Kura Paroko ng Gapan at Dra. Celia Morales, PPC Pangulo at kanyang mga kasama, naaprubahan at naitalagang (Pambansang Dambana) "National Shrine" ang simbahan ng Gapan kung saan nakatanghal at palagiang ginagalang ang Birheng Divina Pastora. Itong pagdiriwang na ito ay pinamunuan ng Kanyang Kabunyian Ricardo Cardinal Vidal, Arsobispo ng Cebu, na dinaluhan ng maraming Obispo, pari at makapal na tao na pinamunuan ng kagalang-galang na Eduardo L. Joson, Punong-lalawigan ng Nuweba Esiha. 
Tanyag ang debosyon sa Mahal na Birhen dahil sa napakaraming himala na pinaniniwalaang naigawad sa mga deboto sa pamamagitan ng kanilang masugid na pagdalangin sa kanya. Ang mga ito ay tunay na lumaganap sa pamamagitan ng mga salaysay, mga kwento, mga nailathalang istorya at mga kwentong bayan na naiparating sa iba't ibang lugar sa loob na mahabang panahon.

http://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

National Shrine of La Virgen Divina Pastora, Three Kings Parish, Gapan City
#conorada
#CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



16. 👑 Nuestra Señora De Caridad De Agoo
⛪️: Minor Basilica of Our Lady of Charity, Agoo, La Union
Coronation Date; May 1, 1971
Pontificate: Pope Paul VI

Nuestra Señora De Caridad De Agoo

Apo Caridad de Agoo
Ang  Birhen ng Caridad de Agoo ay tanyag sa pangalan na Apo Caridad na Makikita sa Lalawigan ng Launion ay pinagmumulan ng malalim at tanyag na debosyon sa Mahal na Ina. Mula nang dumating ang kanyang imahen sa lugar na ito ay lumaganap na ang natatanging debosyon na nagbunga ng mga mapaghimalang pamimintuho sa kanyang karangalan, kabilang na ang mga himala na nakaugnay sa lindol na puminsala sa bayan noong 1892. Dumating sa lugar na ito ang Detalyado imahen  ng Birhen noong ika-17 siglo Dala Ng mga misyonaryong Paring augustinian . Ang Birhen ng apo Caridad Kilala taga protekta ng mga panananim laban sa kalamidad at peste at Magandang ani. 
sa  simbahan de la Nuestra Señora de Caridad sa bayan ng Agoo sa lalawigan ng La Union. Ginawaran ng karangalang koronasyon kanonikal ang imahen noong Mayo 1, 1971, sa pangunguna ng nuo’y Nuncio ng Papa sa Pilipinas, Lbhg. Kgg. Carmine Rocco. At Ginawang Basilica Minore dela Nuestra Señora de Caridad taong 1982. 
http://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned


17. 👑 Nuestra Señora De La Visitacion De Guibang 
⛪️: National Shrine of Our Lady of the Visitation of Guibang, Gamu, Isabel 
(ika labing pito conororada sa Pilipinas)
Coronation Date: May 26, 1973
Pontificate: Pope Paul VI

Nuestra Señora De la Visitacion de Guibang

"Yena na Isabela / Ina ti Isabela".

Ang kasaysayan at debosyon Sa Birhen Nuestra Señora de la Visitacion de Guibang Taong 1905, nang matagpuan ng isang binata ang imahe na lumulutang malapit sa ilog ng Barrio Guibang sa Gamu, Isabela. Dinala ng binata ang imahe sa kubo ng isang mahirap na mag-asawa, sina Francisco Noble at Maria Noble. Noong una, nag-aalangan silang Tangapin ang imahe dala marahil ng Kahirapan. Gayunpaman, hinikayat nilang tanggapin ang imahe sa kanilang bahay. nag handog ng  panalangin (holy rosary) bilang paggalang sa imahe. Sa gabi ng pagbisita, namangha sila sa amoy ng matamis na halimuyak na pumuno sa sambahayan. Napag-alaman nila na ang halimuyak nagmumula sa  imahen. Nag-debosyon ang mag-asawa at sinagot ang kanilang mga dalangin. Isang araw, nais nilang dalhin ang imahe sa kanila sa isang paglalakbay, ngunit ang imahe ay naging mabigat di madala. marahil ito ang Birhen ay ayaw sa Guibang. Bumalik ang binata na nagdala sa kanila ng imahen at kahit mag isa nagawa nyang mabuhat ito, ang binata  ay bumalik upang mailipat ito sa ibang bahay, Pagkatapos ay dinala niya ang imahe mula sa bahay-bahay upang ang debosyon sa kanya ay mapalaganap. lumaganap sa buong bayann kung paano natagpuan ang imahen pati na rin ang halimbawa kung kailan ito naging mabigat at kalaunan sa pagbabalik nito ay normal na timbang pati na rin ang mahiwagang matamis na samyo na nanggagaling mula sa imahen. Mula noon, lumaganap ang pag dedebosyon sa imahen  at nakilala bilang "Lady of Guibang". Habang lumalaki ang debosyon at ang pagdalaw ng mga peregrino mula sa iba pang mga bayan at mga nayon ay naging mas madalas, isang maliit na kapilya ang itinayo sa Karangalan ng Birhen sa kasalukuyang lokasyon (ito ay kalaunan ay idineklara na National Shrine noong 1986 at mula nang ito ay na-renovate sa isan malaki ng Simbahan sa order upang mapaunlakan ang karamihan ng mga pilgrims at deboto na dumating sa kanyang araw ng kapistahan na ipinagdiriwang sa Hulyo 2).
Kung titingnan ang lahat ng mga assertions na ito, naging angkop na tawagan ang Our Lady of Guibang bilang "Yena na Isabela / Ina ti Isabela".

Dahil Sa tanyag na pag dedebosyon sa mahal na Birhen Nuestra Señora de la Visitacion de Guibang at napakaraming naitalang Milagro  Ginawaran ng koranasyon Kanonika / Canonical Coronation nong Mayo 23, 1973 

http://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned


18. 👑 Nuestra Senora de Salvacion de Joroan
⛪️ : Shrine of Nuestra Señora de Salvacion de Joroan, Joroan, Tiwi, Albay
(ika labing walo conorada ng Pilipinas)
Coronation Date; August 25, 1976
Pontificate: Pope Paul VI

Nuestra Señora De Salvacion De Joroan

Our lady of salvacion de Joroan

Ang kasaysayan ng  imahen ng Nuestra Senora de Salvacion ng Joroan, Tiwi, Albay, Taong 1770  isang Milagroso puno ng kalpe na nagmula sa hacienda ni  Don silverio arcilla ang natuklasan, Ang puno na ito ay milagroso sapagkat kahit  napakatagal na panahon ito ay naputol ay nanatili paring sariwa ang kanyang dahon na tila hindi nalalanta,  
             Inukit ng Iskultor na si Bagacumba mula sa mahiwagang puno ng kalpe na natagpuan sa Buhi, Camarines Sur. Ang  tatlong mga imahen, ang mga imahen ng San Antonio de Padua para sa Buhi, Virgen de la Soledad para sa Tambo at Virgen del Salvacion na ibinigay sa Joroan noong Agosto 25, 1776. higit na kilala bilang Virgen de la Luz, ang Birhen na taga protekta at tagapag ligtas ng mga tao ng Albay mula sa mga pirata ng Muslim na nagbanta ng pagnanakaw at  pag dakip sa taong bayan. binuo ng mga tao ang kanilang pag-ibig at debosyon sa Birhen na kalaunan ay pinangalanang " Birhen De Salvation" , ang taga pag ligtas.  lumaganap ang  debosyon mula sa buong Bicolandia at iba pang mga bahagi ng bansa  . 
Dahil sa maraming Naitalang Milagro  Lumaganap ang debosyon at lalong lumakas ang mananaplataya ng mga tao mag pahangang ngayon. Ang Virgen de Salvacion ay  Ginawaran ng  Koronasyon kanonika (Canonically Crowned) noong Agosto 25, 1976 at inihayag bilang Patroness ng Diocese ng Legazpi.

https://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



19. 👑 Nuestra Señora de Candelaria de Jaro
⛪️: Metropolitan Cathedral of St. Elizabeth - National Shrine of Our Lady of the Candles, Jaro, Iloilo
(ika labinsiyam na conorada ng Pilipinas)
Coronation Date: February 20, 1981
Pontificate: Pope St. John Paul II

NUESTRA SEÑORA DE CANDELARIA DE JARO

Reyna ng distrito ng jaro lungsod ng Iloilo

Ang Kasaysayan Ng Mikagrosang birhen Candelaria de Jaro Taong 1587, kung saan natagpuan ng isang pangkat ng mga mangingisda ang Imahen Ng birhen na Gawa sa lime stone  na lumulutang sa ilog ng Iloilo ngunit hindi ito maiangat dahil sa sobrang bigat nito. naging magaan lamang ito ng napag desisyon ng mga mangingisda na dalhin ito sa Jaro. Ang Imahen ay inilagay sa isang maliit na angkop na lugar malapit sa tuktok ng gitnang espasyo ng Simbahan, ngunit sa paglipas ng panahon, lumaki ang imahen ng birhen na kailangang ilipat sa balkonahe ng Simbahan. marami Himala at pag papakita ng birhen tulad nalang ng nawawala ito sa kanyang dambana at nakikita ng ilan na may isang babae at kanyang sangol na anak na naliligo  sa Balon malapit sa simbahan. Lumaganap pag dedebosyon sa birhen. Libu-libo ng mga deboto ang nagtitipon sa Jaro Cathedral sa Iloilo City tuwing ika-2 araw ng Pebrero upang ipagdiwang ang kapistahan ni Nuestra Señora de la Candelaria (Our Lady of Candle).
Sa paglipas ng panahon, lumalim ang debosyon ng mga tao sa Virgen Candelaria na sinasabing naging mapaghimala. Pinaniniwalaang ang naturang imahen ay lumaki. Ayon sa mga salaysay, natagpuan ang imahen na may laking isang piye lamang ngunit ngayon, ito ay naging apat na piye na makalipas ang maraming dantaon. Kinaugalian na ng mga mananampalataya ang mag-alay ng mga kandila sa kanyang paanan. Tangan ng Mahal na Ina ang kandila na sumasagisag sa liwanag ng daigdig, ang kanyang Anak na ating Panginoong Jesukristo. Natatangi ang mapaghimalang imahen ng Nuestra Señora de la Candelaria de Jaro sapagkat ang paggawad ng kanyang koronasyon kanonikal ay isinagawa mismo nang personal nang dumalaw ang Papa Juan Pablo II, na ngayon ay isa nang santo ng Simbahang Katoliko. Isinagawa ang maringal at makasaysayang pagdiriwang na ito noong ika-20 ng Pebrero, 1981 sa Katedral ng Jaro.

https://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

Parish of Nuestra Sra. de la Candelaria (Jaro Cathedral)
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



20. 👑Nuestra Senora de Penafrancia de Manila
⛪️: Parish of Nuestra Señora de Peñafrancia de Manila, P. Gomez St., Paco, Manila
(Ika Dalawapu Conorada sa Pilipinas)
Coronation Date: November 10, 1985
Pontificate: Pope St. John Paul II

NUESTRA SENORA DE PEÑAFRANCIA DE MANILA 


Ang Kasaysayan ng pinintang Larawan ng NUESTRA SENORA DE PEÑAFRANCIA DE MANILA  Pinaniniwalaan Narating Ng Pinintang larawan ng Birhen ang Pilipinas 
May 14, 1651 ng lumubog ang Barkong sinasakyan Ni Padre Miguel  at ang larawan na nakarolyo ay Tinangay ng alon papuntang sapa at natagpuan ito sa sanga ng puno ng Bakawan sa ilog ng paco Manila Ng mga araw naiyon marindi pag ulan ang naganap ngunit isang Milagro ang naganap ng matagpuan  ang Pinintahang larawan ng buo at at hindi kumupas kahit ito ay nabasa ng Tubig. 
Ang pinintahang kwadro ay replika lamang ng unang kwadro sa Espanya na natagpuan ng isang prayleng Pranses na si Simon Roland. Inilalarawan doon ang naging pagpapakita ng Mahal na Birhen kay Simon Vela sa paghahanap ng lalaki sa tinatawag na Peña de Francia kung saan hinango ang pangalang "Peñafrancia." Sinasabing dinala ang replika ng pinintahang larawan sa simbahan ng San Fernando de Dilao ngunit tatlong beses nawala at natatagpuan sa parehong lugar na unang natagpuan At Duon Tinayo ang Kapilya Ng Birhen. Aug 11, 1951  tinangka ng mga sundalong hapon na sirain ang Kapilya ng birhen Ngunit Himalang Nakaligtas ang Kapilya sa digmaan na naganap , sa mga milagro naganap ang kapilya ay naging isang ganap na parokya.  
   Sa Tulong ni Fernando Amorsolo isang Tanyag na Pintor sa Pilipinas Naibalik sa dati nitong Ganda ang Pinintahang larawan ng NUESTRA SENORA DE PEÑAFRANCIA DE MANILA  na nasira gawa ng pabago bago panahon sa nag daang siglo.Ngunit siniguro na wlang Ginawang Pag babago sa Pinta ng mukha ng Birhen.  
 Matapos lumaganap ang pag dedebosyon at ilang Milago ang naitala  
sa pangunguna ni Padre Alfredo Santos na perisyon na  gawaran Ng Koronasyong Kanonika  ang NUESTRA SENORA DE PEÑAFRANCIA DE MANILA, 
Pinutungan ng korona ni Jaime Cardinal Sin ang kwadro ng Penafrancia noong ika-10 ng Nobyembre 1985.

https://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned


21. 👑 La Inmaculada Concepcion de Malabon
⛪️: Immaculate Conception Parish, Concepcion, Malabon City
( ika dalawampu't isa Conorada ng Pilipinas)
Coronation Date: December 7, 1986
Pontificate: Pope St. John Paul II

La Inmaculada Concepcion de Malabon

Ynang

Ang Kasaysayan ng De tallado imahen ng La Inmaculada Concepcion de Malabon, inukit ito mula sa kahoy ng Mulawin ika-16 na siglo na nakakaraan kasama Inukit ito mula sa iisang kahoy ang orihinal na imahen ni San Jose de navotas ( Tata bukot) at San jose Bartolome ng Malabon, 
Natatangi ang akin nitong kagandanhan kung kayat isa ito sa pinaka magandang imahen ng Inmaculate conception sa Pilipinas at napreserba nito ang kagandahan sa  Kabila Ng tagal ng panahon. Ika - 17 siglo ng Idambana ito sa  Altay Mayor. 
  Marami ang naitalang Milagro ng Ynang birhen , taong 1880 isang tsino ang nahulog sa ilog ng malabon hawak ang isang kapirasong kahoy ay nanawagan sya sa kaligtasan sa Birhen at Milagro nakaligtas sya sa oangyayari na yon kaya sa karangalan ng Birhen Nag pagawa ang tsino ito ng marmol na Visita ,  Simbahang Pamparokya sa bayan ng Malabon na magiliw na  Tinatawag na "VISITA" dahil sa di malilimot na mga himala naganap sa kanyang Pamamagitan, kinalaunan dumami ang deboto ng mahal ng birhen (ynang) ika 19 na siglo ng muling nag milagro ang birhen sa isang negosyante sa Pagoda Ng mahal Na birhen ng makakita ito mula sa pagkakabulag. 
   sa Ikalawang digmaan Pandaigdig Itinago ang imahen sa isang making drum upang hindi sirain ng hapon muli nag milagro ang birhen at pinatnubayan ang bayan ng malabon. 
     Taong 1902 natatag ang simbahan ng aglipay at sapilitan ginawang sambahan Ng simbahan Ng Conception, Sa pang yayari ito Nagsampa ng Kaso ang simbahan Katoliko At matapos ang 4 na taon nanalo ang katoliko at inutos ng Korte suprema ng pilipinas na Ibalik ang Vista Conception kasama ang imahen ng Mahal na Birhen conception de malabon, Nag patayo ng sarili kapilya ang aglipay at ng Replika ng imahen  Conception at taong September 1907  naging parokya na ang simbahan ng Conception. 
    Tanyag ang pagpaparangal at pamimintuho para sa mahal na birhen
  Sa dami ng naitalang milagro at pag dedebosyong ng mga tao sa mahal na birhen  sa Utos ng santo Papa  Ginawaran ng Koranasyon Kanonikal / Canonically crowned ang La Inmaculada Concepcion de Malabon dec 7, 1986. ang Debosyon sa mahal na Birhen La Inmaculada Concepcion de Malabon at lalong lumaki at naging buo sa haba ng panahon. 
  
https://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

La Inmaculada Concepcion de Malabon
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



22. 👑 Nuestra Señora de los Desamparados de Manila
⛪️: Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned, Sta. Ana, Manila
(ika dalawampu't Dalawa conorada Ng Pilipinas)
Coronation Date; May 12, 1991
Pontificate: Pope St. John Paul II

La Gobernadora 

-Nuestra Señora de los Desamparados De Manila


Inang Mapag Ampon ng Maynila 
Mula sa kanyang Pambansang Dambana sa Sta Ana Maynila.
Ang Kasaysayan ng Imahen Ng Nuestra Señora de los Desamparados De Manila Ang Titulonh ito Ay daladala ng mag Misyonaryong paring Fraciscano at una ito ipinalaganap sa Bayan ng Sta ana Manila sa Pangunguna ni padre Fray Vicente Ingles  at Taong 1713 Naipagawa ang replica ng  Ng birhen De Los Desamparados ng Valencia , Pinaniwlaan din na ang replika ito ay Nadampian ng orihinal na Imahen sa Valencia mula sa Espanya bago ito mag lakbay patungo sa Pilipinas Lulan ng Galleong Sto cristo de Burgos ( Acapulco trade) 1717 ang dalawang imahen ang  Nuestra Señora de los Desamparados de Manila at  Sto Cristo de Burgos na Ngaun ay naka dambana sa Sariyaya Quezon.  

    Sa pag dating Ng imahen sa Pilipinas kasagsagan ng politikang hidwaan ng Simbahan at Governador General Fernando Manuel de Bustillo Bustamante at ng religious of intramuros. 
  Gawa ng ka desperaduhan sa pag kawala ng kaban ng gobyerno pinag utos Na gobernador Bustamante na kumpiskahin ang laman  mga pilak at gintong salapi ng Galleon ng sto cristo de burgos  napasama rito at dalawang imahen at si Parde Ingles.  Dahil sa kautusan na ito ang arsobispo ng Manila ay Nag protesta laban sa Gobernador Heneral na humantong sa pag ka bilango ng Arsobispo Francisco dela  Cuesta at iba pang prayle, Ang pag-igting sa pagitan ng dalawa sa pinakamalakas na institusyon sa bansa sa oras na iyon ay humantong sa pagpatay kay Gobernador General Bustamante at ang pagpapalaya kay Arsobispo dela Cuesta at ang Arsobispo ay naging Interim Governador General ng isla.  Taong 1719 nailuklok sa simbahan ng Sta ana ang Imahen Ng Nuestra Señora de los Desamparados De Manila at Taong 1720 isang seremonya ang naganap bilang pasasalamat sa Ng Arsobispo Dela Cuesta at inihayag ang titulo "La Gobernadora De Manila" sa birhen at inihandog ang  "Baston  De mando" sumasagisag ng awtoridad at kapangyarihan, na mapagsahangang ngayon ay nakikita na hawak ng Birhen.

      Ang Camarin De la Virgen kung saan matatagpuan ang mga lumang Pinintahang Larawan sa Kisame ay sinasagawa ang  atavio. 
  “Atavio” o ang tradisyunal na pagbibihis sa orihinal, mapaghimala at coronadang imahen ng Nuestra Señora de los Desamparados de Manila. Ang pagbibihis na ito ay ginagawa ilang araw bago ang Nobenario at bilang paghahanda sa nalalapit nitong kapistahan.Sa gawaing din ito, ay ipinaliliwanag ang mga kahulugan o simbolismo ng mga nakakabit at nakasuot sa Mahal na Birhen.Habang ginagawa ng mga kababaihan ang pagbibihis ay dinarasal ang Santo Rosario at hinahandugan ng awit ang Mahal na Birhen.  
   ang camarin  sela Virgen ay idineklerang National Tresure  ng museo ng Pilipinas . 
    
  Sa pamimintuho ng Bayan  sa kanilang mahal na patrona ay nakamit nila ang isang utos mula sa santo papa Dec 10, 1990  na igawad sa kanilang patrona ang isang Koronasyong Kanonikal bilang pagkilala sa kanilang debosyon. sa pangunguna ni Father Agustin Cuenca . 
Isinagawa nag Koronasyon May 12, 1991  sa pangunguna ni Jaime Cardinal Sin.
   
https://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

Nuestra Señora De Los Desamparados De Manila - Coronada
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned

23. 👑 Nuestra Señora del Carmen de San Sebastian
⛪️: Minor Basilica of San Sebastian, Plaza del Carmen, Quiapo, Manila
(ika dalawaput Tatlo Conorada sa Pilipinas)
Coronation Date; August 18, 1991
Pontificate: Pope St. John Paul II

Nuestra Señora Del Carmen de San Sebastian

La Guapa 

    Ang Imahen  ng Nuestra Señora del Carmen ay Nakadambana sa Simbahan Ng san Sebastian  sa Kamaynilaan ang kaunaunahan Imahen ng our lady of mount Carmel sa Pilipinas. Ang Nuestra Señora del Carmen ay ang patrona ng Orden ng mga Carmelita, sila ang mga ermitanyong naninirahan sa Bundok ng Carmelo sa Hilagang Israel. Lumipat sila sa bansang Inglatera noong ika-13 siglo at minsang pinamunuan ng isang Ingles na pari na nagngangalang Simon Stock. Nagpakita sa kanya ang Mahal na Birheng Maria at ipinaubaya ang tanyag na eskapularyo o “brown scapular” na tinatawag sa Tagalog na "kalmen." Sinabing: “Ang sinumang mamatay na suot ang abitong ito ay maliligtas sa walang hanggang apoy! Ito ay tanda ng kaligtasan, isang pananggalang sa sandali ng panganib at isang patotoo ng tanging biyaya at pag-iingat.”
  Ang kasaysayan ng natatangi at napakagandang imahen ng Nuestra Señora del Carmen de Manila (gawa sa Garing) ay dinala ng mga Kastilang paring Rekoletos noong 1618 dito sa Pilipinas, sa pangunguna ni Fray Rodrigo de San Miguel. Sa ganda nito ay tinawag siya ng mga deboto bilang “guapa.” Maraming mga kahilingan ang pinaniniwalaang kanyang pinagbigyan. Dahil dito ang pagkilala sa imahen ay lumaganap at lumalim dahil sa taglay na karikitan niya. Malalim ang kasaysayan ng debosyon sa Mahal na Birhen na naging saksi sa pagdaan ng panahon. Ang Maynila ay dumaan sa pag-aalsang Tsino ng 1639, malawakang lindol ng 1645, pandarambong ng mga Briton nang sakupin ang Maynila noong 1762, at ang isa pang malakas na lindol na sumira nang husto sa Kamaynilaan noong 1863. Ngunit sa kabila ng lahat nang ito, lalong yumabong ang debosyon na ipinamalas ng ating mga ninuno, ang pagkakandili sa ating Virgen del Carmen kaya naman taglay ng henerasyong ito ang pamana sa ating pananampalatayang Katoliko. sakalagitnaan ng taon 1970's  ang Orihinal na Ulo, kamay at imahen sangol na Jesus na gawa sa garing ay Ninakaw tangi ang imahen ng sangol Na jesus ang Nabawi , Sa Tulong ng Taong bayan sasamsama sila Nagtulungan sa pamumuno ni Felife dy upang maipagawa muli ang Ulo ng mahal na Birhen na Ukit Ng tanyag na Iskultor Maximo Vicente. 

Sa Kaistahan ng itim na Nazareno
Ang kanyang imahen ay tampok sa popular na tradisyon na kung tawagi'y "Dungaw" na isinasagawa tuwing ika-9 ng Enero. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng napakatanyag na prusisyon na kung tawagin ay "Traslacion" ng Itim na Jesus Nazareno sa Quiapo. Sa pagdaan ng imahen ng Itim na Nazareno sa tapat ng Simbahan ng San Sebastian, ang Virgen del Carmen ay inilalabas upang siya ay "dumungaw" sa kanyang Anak mula sa balkoniya ng Simbahan.

Noong Agosto 18, 1991, sa basbas ni Papa na ngayon ay San Juan Pablo II, ginawaran ng karangalang koronasyon kanonikal / Canonically Coronation  ang “La Guapa” Virgen del Carmen sa Pangunguna ng Arsobispo ng Maynila, Jaime Cardinal Sin.

https://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned


24. 👑 Nuestra Señora del Santisimo Rosario de Ubanon
⛪️: Parish and Shrine of Our Lady of the Rosary, Ubanon, Catbalogan, Samar  
( ikaw Dalawaput apat na Conodara ng Pilipinas)
Coronation Date: October 15,  1995
Pontificate: Pope St. John Paul II

Nuestra  SeÑora Del Santisimo Rosario De Ubanon


Ang Imahen ng Santo Rosario ng Ubanon ay taas na limang talampakan inukit ito mula sa hamorawan na kahoy ng isang Tsino na Eskultor kasabay ng Imahen Ni san Francisco de Asis ng Tarangan, Samar. 
  Isa sa Pinaka sikat na kasaysayan ng imahen ay nangyari taong 1627 ng isang Kapitan Juan de leon ang nag debosyon sa mahal na birhen at humiling sa Mahal
na birhen na kung maaari Tulungan sya na Madakip ang mga pirata na sumasalakay sa isla ng Samar ay nangako na iaalay ang Korona ng Birhen , nagalay din ng pag rorosaryo ang mga tao sa isa para sa ikatatagumpay ng misyon at dininig nga ng Birhen ang kanilang panalangin at nagapi nila ang mga pirata para sa kaligtasan ng Isla. at Bilang parangal sa mahal na birhen ay tinupad nito ang pangako  Pag aalay Sa ng Korona sa Birhen. 
        Nang Bumusita Ang Santo Papa Jhon paul II  noong Jan 1995 sa Pilipinas Dinala ni Bishop Max Cruz sa kamaynilaan ang Korona ng Birhen Upang  personal na mabendisyunan ng mahal na santo Papa Na ngayon ay Ganap Na Santo. 
         Marami ang naitalang Milagro tulad nalamang ng pag liligtas ng Birhen sa Kalamidad, pananakop at ibapang di kanais nais na pangyayari sa isla ng samar na wlang sawang pinoprotektahan ng mahal na birhen ay lumaki ang nag dedebosyon  at namimintuho sa kanya  
kung kayat Ginawaran ng Koronasyon Kanonikal / Canonical Coronation Octoberr 15, 1995. 
    
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned



24. 👑 NUESTRA SEÑORA DE LA CONSOLACION Y CORREA DE MANILA
⛪️: Immaculate Conception Parish - Shrine of Our Lady of Consolation (San Agustin Church), Intramuros, Manila
(ika dalawaput Lima Conorada sa Pilipinas)
Coronation Date; September 4, 2000
Pontificate: Pope St. John Paul II

Nuestra Señora de La Consolacion y Correa de Manila

Inay Consi

Ang Kasaysasayan ng Mahal Na Birhen de la Consolacion, ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Consolacion ay nagmula sa kasaysayan ng buhay ni Santa Monica, ang ina ni San Agustin, Obispo ng Hippo. Pinaniniwalaang nagpakita ang Mahal na Birhen kay Sta. Monica upang ibigay ang sinturong itim na sumisimbolo ng proteksyon at banal na pagkalinga sa kanya at sa mga taong humihingi ng kanyang maka-inang pagmamahal. Ito naman ay ibinigay ni Sta. Monica sa kanyang anak na si San Agustin na nagdala sa kanya sa buhay kabanalan hanggang sa siya ay kilalanin bilang santo ng Simbahang Katoliko.

  Walang Dokumento na nag papatunay sa pag dating ng imahen ng mahal na birhen ngunit Pinaniniwalaan Dumating ang imahen ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa sa simbahan ng San Agustin sa Intramuros nuong ika-17 siglo. Sa pamamagitan ng pagkakatatag ng Cofradia sa karangalan ni San Agustin sa ilalim ng pamimintuho sa Virgen Consolacion, lumaganap at unti-unting nakilala ang pagdedebosyon sa kanya sa Intramuros sa Maynila at mga kalapit bayan nito. Siya ay naging saksi sa mahabang kasaysayan ng Maynila na dumaan sa maraming pagsubok – digmaan, pananakop, at mga kalamidad, lalo na nuong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan, sa lahat ng mga simbahang matatagpuan sa Intramuros na itinayo nuong panahon ng Kastila, ang Simbahan ng San Agustin lamang ang nanatiling nakatayo matapos ang malagim na digmaan.

Dahil Sa mga naitalang milaro pamimintuho at debosyon  sa mahal Na birhen ang imahen ng NUESTRA SEÑORA DE LA CONSOLACION Y CORREA DE MANILA ay ginawaran ng karangalang koronasyong kanonikal sa ilalim ng pamumuno ni Papa Juan Pablo II noong ika-4 ng Setyembre, 2000 sa Maynila. Ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Consolacion ay nagbunga ng maraming himala na pinaniniwalaang naigawad sa mga deboto sa pamamagitan ng kanilang masugid na pamimintuho sa Mahal na Birhen.

https://benjamintinao.blogspot.com/2020/05/canonical-coronation-in-philippines.html?m=1

Nuestra Señora de la Consolacion y Correa-Reina, Madre y Patrona
#conorada #CanonicallyCrownedMarianImages
#VivaLaVirgen #sanjudastadeodeabucay #saintjude #canonicallycrowned







Comments

Popular Posts